
Pambihira
Araw-araw ako’y nasasabik,
Nagmamadali, kahit masubsob sa putik.
Pagkat makita ka’y aking kaligayahan,
Iyong kakatwang bagay aking inaabangan.
Mapagbigyan kaya itong aking hiling?
Ang minsang makasama ka, dito sa aking piling.
Ako’y iyong dalhin sa mundo ng nakaraan,
Lihim mong ibahagi ang pambihirang kaalaman.
Sa pagsapit ng oras na ika’y muling masilayan,
Kabog ng aking puso’y tumitindi ang kamalayan.
Ikaw ang dahilan sa panonood ng telebisyon,
Boses mong nakakaaliw, aking hinihintay Doraemon.

No comments:
Post a Comment